Blog

Paglilinaw sa Isyu Ukol sa Pag-aresto kay Rodrigo Duterte

Paglilinaw sa Isyu Ukol sa Pag-aresto kay Rodrigo Duterte

Ang pag-aresto sa dating pangulong Rodrigo Duterte ng Interpol ay nagdulot ng sai-saring debate at pagkakahati-hati ng opinyon sa social media. Upang magbigay-linaw sa gitna ng ingay, suriin ang mga facts at tingnan ang iba't ibang panig ng usaping ito.

Ang ICC at Pag-kalas ni Duterte Dito

  1. Dati tayong miyembro ng ICC hanggang noong 2018, nang magpasya si Digong na kumalas kagaya ng Russia. Ang hakbang na ito ay isang paraan upang maiwasan ang posibleng pag-usig sa kanya kaugnay ng kanyang kontrobersyal na war on drugs.

  2. Nang si Marcos Jr na and naupo noong 2022, hiniling niya sa ICC na itigil ang imbestigasyon sa drug war ni Duterte subalit tinanggihan ng ICC ito, at iginiit nila na may hurisdiksyon pa rin ito sa kaso sa lahat ng naganap nang miembro pa ang Pilipinas bago 2018. Patuloy na sinasabi ni Marcos Jr. na wala nang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas dahil umalis na ang bansa sa Rome Statute. Kinatigan naman ng Korte Suprema na wala na ngang hurisdikyon ang ICC simula 2018 hanggang sa kasalukuyan, subalit ang mga kaganapan bago 2018 ay mayroong pa ring dapat imbestigahan ang ICC sa atin.

Paano nagsimula ang Marcos-Duterte na hidwaan

  1. Ang dating matibay na "Uniteam," ay malinaw na nasira. Ang pagsuporta ni Sara sa kanyang ama, kasama na ang pag-apruba sa paratang nito na si Marcos Jr. ay isang "bangag" (drug addict), ay nagpalala ng kanilang relasyon. Gayunpaman, ipinagtanggol ni Marcos Jr. si Sara sa maraming pagkakataon, tulad ng kanyang "no comment" sa isyu ng pananakot ng China sa mga mangingisdang Pilipino at ang kontrobersya sa kanyang ₱125 milyong confidential fund.

  2. Lalong lumala ang hidwaan nang tanggihan ng Kongreso ang hiling ni Sara para sa confidential fund noong Nobyembre 2023, dahil sa ulat ng Commission on Audit (COA) na nagpapakita na ginastos niya ang ₱125 milyon sa loob lamang ng 11 araw. Ang desisyong ito ang nagtulak kay Sara na magsalita nang masakit, kabilang ang mga banta na "putulin ang ulo" ni Marcos Jr. at "hukayin ang bangkay ni Marcos Sr. at itapon sa dagat." Nagdagdag pa siya ng mga paratang na may kontrata siya para patayin sina Liza Araneta, Bongbong Marcos, at Martin Romualdez kung siya ay mapapatay.

Ang Panig ng mga Duterte

  1. Ang mga Duterte at kanilang mga kaalyado ay naghihinala na si House Speaker Martin Romualdez ang nasa likod ng mga pagtatangka para siraan si Sara, dahil sa kanyang ambisyon na maging susunod na pangulo. Itinanggi ni Martin ang mga paratang na ito, ngunit nananatili ang tensyon. Ang People's Initiative na sinubok isulong ng administrasyong Marcos para amyendahan ang mga economic provisions ng Konstitusyon para sa pag-unlad ng bansa ay hinilala ng mga Duterte na panlilinlang lamang; na ang tutoong layunin ay baguhin ang temino ng nakaupong presidente para hindi bumaba sa pwesto sa 2028. Maliwanag na inaasam ng mga Duterte na si Sara ang successor ni Marcos Jr. 

  2. May mga nagsasabi rin na ang pagtutol ng mga Duterte kay Marcos Jr. ay dahil sa posibilidad ng paglabas ng arrest warrant ng ICC kay Rodrigo Duterte, subalit lumalabas sa mga binibitawang salita ni BBM na paulit-ulit na walang hurisdiksyon ang ICC, na hindi kailanman makikipag-cooperate and kanyang administrasyon sa anumang imbestigasyon na gagawin ng ICC. Kahit ganito, hindi maalis-alis sa mga Duterte at mga kaalyado nito na ang tunay na nais ni Marcos ay taliwas sa mga sinasabi.

Ang Posisyon ni Marcos Jr. sa Interpol

  1. Ipinaliwanag ni pangulong Marcos Jr. na ang pag-aresto kay Duterte ay hindi kaugnay ng ICC kundi bilang pagtupad sa Interpol, kung saan miyembro ang Pilipinas. Binigyang-diin niya na mahalaga ang pagsunod sa Interpol para sa internasyonal na reputasyon ng bansa, lalo na sa mga kaso tulad ng paghuli kay Guo Huaping, Arnie Teves at yung mga human traffickers sa Myanmar, kung saan kailangan ang kooperasyong pandaigdig.

Ang kabuuwang larawan

Ang kasalukuyang sitwasyon ay resulta ng pulitikal na tensyon, personal na hidwaan, at legal na usapin. Habang may mga nagsasabing ang pag-aresto ay isang pulitikal na maniobra, may mga nagsasabi rin na ito ay kinakailangan para tuparin ang internasyonal na obligasyon. Ang mga paratang ng kampo ni Duterte laban kay Marcos Jr. at sa kanyang mga kaalyado ay nagpapakita ng malalim na kawalan ng tiwala, habang ang mga hakbang ni Marcos Jr. ay itinuturing na pagbabalanse sa pagitan ng pulitika at internasyonal na tungkulin.

Importanteng harapin ang isyung ito nang may kritikal na pag-iisip, na hiwalay ang facts sa haka-haka. Ang hidwaang ito hindi lamang pulitika kundi repleksyon ng mga hamon sa pamamahala at diplomasya ng Pilipinas. Bilang mamamayan, ating hilingin ang transparency at accountability mula sa lahat ng panig, habang iniiwasan ang pagkalat ng maling impormasyon na nagpapalalim lamang ng pagkakahati.

Ano ang inyong pananaw sa isyung ito? Manatiling respetado at batay sa katotohanan ang ating talakayan.

#PulitikaNgPilipinas #MarcosDuterteRift #ICC #Interpol #Transparency #Accountability

For English version click HERE

Related Articles

Information

We are dedicated to providing insightful, well-researched, and unbiased political analysis to help voters make informed decisions during the 2028 elections.

We cover a wide range of political topics, from candidate profiles to policy breakdowns, ensuring that our readers are prepared to participate in the democratic process with confidence.